Ayon sa militar, ang natagpuang abandonadong kuta ay pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG) North Abra.
Narekober ng tropa ng pamahalaan ang isang cal. 5.5mm M16 rifle, magazine para sa M16 rifle, apat na magazine para sa M14 rifle, 11 sirang chain link para sa cal. 60, isang pistol holster, mga medical paraphernalia, sari-saring gamot, at mga personal na gamit.
Ayon kay LtC Ricardo GB Garcia III, Battalion Commander ng 24IB, ipinagbigay-alam ng mga residente ng Barangay Anayan ang lugar ng mga makakaliwang grupo kaya agad na nagsagawa ng combat patrol ang tropa na nagresulta sa pagkakadiskubre at pagkumpiska ng mga gamit.
Dagdag niya, malaki ang ibig sabihin ng kanilang suporta dahil pinalalakas ang kanilang moral na sama-sama tatapusin ang lokal na armadong labanan ng komunista.
Matatandaan na noong nakaraang Marso 23, 2022, naganap ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng mga miyembro ng KLG North Abra sa parehong lugar.
Ang mga nakumpiskang kagamitang pandigma ay nasa kustodiya ng mga nagpapatakbong tropa.