Kuta ng mga rebelde, nadiskubre ng PNP at militar sa Gapan, Nueva Ecija; mga gamit sa paggawa ng pampasabog, narekober

Nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at militar ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa Brgy. Mamaclay, Gapan, Nueva Ecija.

Ayon kay Police Col. Fitz Macariola, force commander ng Regional Mobile Force Batallion 3, nadiskubre ang kuta ng mga rebelde dahil sa mas pinaigting nilang anti-insurgency campaign kasama ang tropa ng Philippine Army.

Wala aniya silang nahuling rebelde sa kuta ngunit narekober nila ang iba’t ibang mga gamit pampasabog.


Kaugnay nito, siniguro naman ng Philippine National Police (PNP) na patuloy silang mag-iikot at reresponde sa sumbong ng mga residente para matutukan ang seguridad at matiyak ang kapayapaan.

Facebook Comments