Tanging mga bakunadong mamamayan lamang ng Kuwait ang papayagang makabiyahe abroad simula sa August 1.
Pero ayon sa Kuwaiti government, hindi sakop ng bagong patakaran ang mga batang edad 16 taong gulang pababa, may health ministry certificate na nagsasabing hindi sila maaaring bakunahan at mga buntis.
Samantala, lahat naman ng magtutungo sa Kuwait ay kinakailangang magpakita ng negative COVID-19 test result bago sila sumakay ng eroplano at dapat na walang sintomas ng sakit.
Kailangan ding sumailalim sa pitong araw na home quarantine maliban na lamang kung magpa-test sila pagkarating sa Kuwait at magnegatibo.
Facebook Comments