Kylie Padilla at kolumnistang si Cristy Fermin, nagsagutan sa social media tungkol sa isyung kinakaharap ng mag-asawang Kylie at Aljur Abrenica

348

Pinalagan ng aktres na si Kylie Padilla ang veteran columnist at radio host na si Cristy Fermin matapos nitong ibulgar na nahuli umano ni Aljur Abrenica ang aktres na may katawagan noong nagsasama pa sila.

Sa deleted Facebook post ni Kylie, matapang na sinabi nito na huwag nang hintayin na magsalita pa siya tungkol sa kolumnista at nagtitimpi lamang ito para sa kaniyang mga anak.

Sinabihan din ni Kylie si Fermin na mag-grow up at tignan muna ang sariling mga pagkakamali bago manghusga ng ibang tao.


Pero agad namang sumagot si Fermin at iginiit hindi niya pwedeng manduhan ang mga manunulat sa kung anong gusto nilang isulat.

Kinuwestiyon din nito ang ginawa ni Kylie na pagbura sa kaniyang post at sinabing hindi man lang siya nakakuha ng kahit kaunting paninindigan sa kaniyang ama na si Robin Padilla.

Sa huli, pinayuhan na lamang ni Fermin ang aktres na linisin ang kaniyang pangalan sa pamamagitan ng pagsagot sa isyu.



Facebook Comments