Kylie Verzosa, dinuraan si Maxine Medina sa taping ng “Los Bastardos”?

2608
Images from their IG accounts

Pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz at social media kung sino ang nasa blind item ni Dianne Medina na kaniyang pinost sa Facebook noong Lunes.

“Blind Item: Da who itong artista nandura sa kapwa artista na wala naman sa script,” nakasaad sa caption ni Medina.


Sa clue na ibinigay ng aktres, mahahalatang kamag-anak niya ang dinuraan ng kapwa-artista.

“Girl, RESPECT pls Minsan lang ako status Girl, wag ang pamilya ko!” giit pa ng 32-anyos na TV host-actress.

Kaugnay nito, lumabas sa artikulo ng balita.net.ph kahapon na may namumuong hidwaan sa pagitan nina Kylie Versoza at Maxine Medina.

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, pinsan ni Dianne si Maxine.

Batay sa ulat, dinuraan umano ni Kylie si Maxine sa isang eksena ng teleseryeng “Los Bastardos”, kung saan kabilang ang beauty queens.

Ang ginawa umanong pagdura ni Kylie, hindi kasama sa script.

Sinabi daw ni Maxine ang pangyayari kay Dianne, na nauwi sa pagsulat ng blind item sa Facebook account nito.

Mas lalong uminit ang isyu makaraang i-unfollow ng pageant titlist ang kapwa-beauty queen sa Instagram.

Screenshot from Maxine Medina and Kylie Versoza IG accounts

Nitong Huwebes, nagpost siya ng throwback photo kasama si Dianne at may patamang caption sa kaniyang Instagram story.

IG story from Maxine Medina

“Glad to have My family with me all the time I needed them,” ani Miss Universe-Philippines 2016.

Matatandaang nanalo sina Medina at Versoza sa Binibining Pilipinas noong 2016 at naiuwi ng pangalawa ang korona ng Miss International sa kaparehong taon.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na reaksyon ang kampo ni Versoza hinggil sa kontrobersiya.

 

 

Facebook Comments

From Advertisers