Kyrie Irving, pinalit kay Isaiah Thomas sa blockbuster trade sa Boston at Cleveland

Sports – Kinumpirma ngayon ng Cleveland Cavaliers na pumayag silang i-trade si Kyrie Irving sa Boston Celtics.

Magiging kapalit ni Irving sa blockbuster trade ang kapwa all-star-guard nito na si Isaiah Thomas.

Kasama din sa deal sina Jae Crowder, Ante Zizic at ang nakuha nilang rights mula sa Brooklyn nets na 2018 first round pick kung saan ibibigay ito ng Boston sa Cleveland.


Dahil dito, siguradong aabangan ngayon ng mga fans ng Celtics at Cavaliers ang magiging unang laban nila sa season opener ng NBA sa October 17.

Facebook Comments