LA UNION, NAGPAMAHAGI NG TIG-₱30,000 AYUDA SA 576 BARANGAY SA LALAWIGAN

Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang mandatoryong ayuda na tig-₱30,000 para sa lahat ng 576 barangay sa probinsya.

Idinaos ang pamamahagi kahapon, October 5, sa Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega Convention Center, kung saan personal na tinanggap ng mga Punong Barangay o Barangay Treasurers ang ayuda para sa kani-kanilang barangay.

Alinsunod ito sa itinatakda ng Section 324 ng Local Government Code of 1992 (RA 7160) na nag-uutos sa mga lokal na pamahalaan na maglaan ng pondo para sa mga barangay.

Pinangunahan ng Liga ng mga Barangay President at Ex-Officio Board Member Ramon Guio A. Ortega Jr. ang distribusyon, na dinaluhan din ng board members ng probinsya kasama ang mga hepe ng iba’t ibang departamento ng PGLU. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments