LABAN KONTRA DROGA SA DAGUPANCITY, MAS PINAG-IIGTING

Mas pinaiigting pa ang laban kontra droga sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) na programa ng Department of Interior and Local Government o DILG sa lungsod ng Dagupan.
Alinsunod dito ang gaganaping BIDA Fun Run ng National Anti-illegal Drugs Advocacy campaign na pangungunahan ni Secretary Benhur Abalos at LGU-Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa darating na April 30.
Nasa humigit-kumulang na 10,000 runners ang inaasahang dadalo at lalahok na nagmumula sa buong Region 1.

Ilan pang mga katuwang na ahensya at mga kawani tulad ng PNP Region 1, PDEA, BFP, BJM, Region 1 at ang DILG Regional Office 1 ang magiging kaantabay ng lokal na pamahalaan sa pagganap ng naturang aktibidad.
Kasabay nito ang paghahanda sa pagbubukas ng Balay Silangan Drug Reformation Facility sa Dagupan City na nakalaan para sa mga small drug offenders na mabibigyan ng oportunidad at pag-asa tungo sa bagong buhay. |ifmnews
Facebook Comments