MGA KAGAMITAN PANG-MEDIKAL, ITINURN-OVER SA ISANG BARANGAY SA BALUNGAO, PANGASINAN

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kagamitan na maaaring magagamit ng isang komunidad lalo na kung tungkol sa kalusugan at pang-medikal ang pag-uusapan.
Kaya naman kamakailan, karagdagang medical equipment ang itinurn over sa Barangay Health Station ng San Miguel sa Balungao, Pangasinan.
Pinangunahan ang pamamahaging ito ng congresswoman ng ika-anim na distrito ng Pangasinan.

Layunin umano ng pamamahaging ito ng mga karagdagang kagamitan pang-medikal na mapunan ang kakulangan sa gamit sa health stations sa bara-barangay nang sa gayon ay patuloy na makapagbigay at makapaghatid ng serbisyong publiko sa mga mamamayan sa ikaanim na distrito ng lalawigan.
Nagbigay naman ng pasasalamat ang punong barangay ng naturang barangay para sa mga medical equipment na kanilang natanggap. |ifmnews
Facebook Comments