Laban ng Azkals at Yemen, nagtapos sa draw

Sports – Nagtapos sa 2-2 ang laban ng Philippine Azkals kontra Yemen sa AFC Asian Cup UAE 2019 qualifiers na ginanap sa Panaad Park and Football Stadium sa Bacolod City.

Unang nakapagtala ng score ang pambato ng Yemen na si Al Raddaei sa unang 27 minuto at ito ay sinagot ni Phil. Younghusband pagkatapos ng tatlong minuto.

Muling nakapagtala ng puntos ang Yemen matapos ang 55 minuto sa pamamagitan ni Al Matari.


Naipasok naman ni James Younghusband ang bola sa loob ng 73 minutes.

Hindi naman nakapaglaro para sa Azkals sina Javier Patiño na may injury at daisuke sato na suspendido.

Makakaharap muli ng Azkal ang Yemen sa October 10 sa Al-Wakrah City sa Qatar.

Dahil sa panalo ay nangunguna na ang Azkals sa group F kung saan mayroon na silang 7 points.

Facebook Comments