Laban sa WPS, hindi binibitiwan ni Pangulong Duterte

Sa pagkakakilala ni Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte ay palaging ang interes ng mga Pilipino ang nasa isipan at binibigyang konsiderasyon nito bilang syang chief architect ng foreign policy ng bansa.

Pahayag ito ni Go bilang pagtatanggol kay Pangulong Duterte na hindi nito ipinaglalaban ang West Philippine Sea.

Diin ni Go, binabalanse ni Pangulong Duterte ang lahat lalo na at nasa gitna pa tayo ng pandemya.


Kasabay nito ay hinamon ni Go ang mga kritiko ng Pangulo na sina retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at former Secretary of Foreign Affairs Albert del Rosario na sila ang magpatrolya sa karagatan para harapin ang Chinese Coast Guard.

Katwiran ni Go, kung talagang matapang sina Carpio at Del Rosario ay dapat noon pa ay hindi na nila pinabayaan ang China, hindi ngayon lang sila nagmamatapang at puro naman salita pero walang magagawa.

Panahon pa umano ng nakaraang administrasyon nang hayaan nila na magsimulang mag-military build ang China sa West Philippine Sea.

Facebook Comments