PRO- 7, aalamin kung may mga pulis ba sa Central Visayas na nasa listahan ng police scalawags

Central Visayas, Philippines – Aalamin ng Police Regional Office -7 kung may mga pulis ba sa Central Visayas na kasali sa listahan ng halos isang libong mga police scalawags na pinaghahanap ngayon ng Camp Crame.

Ayon kay PRO-7 director, chief Supt. Noli TaliƱo, hindi pa niya nakikita ang nasabing listahan bagama`t inihayag nito na may sampung mga pulis na sa Central Visayas na nasampahan ng kaso sa Ombudsman at inaantay na lang ang desisyon laban sa mga ito.

Ito ay kinabibilangan ng walong police superintendent at dawalang police non-commissioned officers.
DZXL558


Facebook Comments