Labi ng yumaong si Queen Elizabeth II, naihatid na sa huling hantungan sa Royal Vault

Photo Courtesy: The Royal Family Facebook Page

Naihatid na sa huling hantungan ang labi ng yumaong si Queen Elizabeth II.

Ito ay matapos naibaba na ito sa Royal Vault ng St. George Chapel sa Windsor Castle.

Kaungay nito ay inilagay na sa high altar ang mga “instruments of state” na ginamit ni Queen Elizabeth nang koronahan noong 1953 kabilang dito ang Imperial State Crown, orb at scepter.


Inilagay rin ng kaniyang eldest son at kaniyang kahalili na si King Charles III ang Camp Color of the Grenadier of Guards ng reyna sa kaniyang kabaong.

Dinaluhan naman ito ng libu-libong taga-suporta ng Royal Family at ng ilang world leaders katulad nina US President Joe Biden, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at French President Emmanuel Macron.

Nagsilbi namang “special representative” ni Pangulong Bongbong Marcos sa state funeral ang bunsong kapatid na si Irene Marcos-Araneta at asawa nitong si Gregorio Maria Araneta III.

Dahil dito ay pormal nang nagtapos ang sampung araw na pagdadalamhati ng publiko sa longest-reigning monarch ng Britanya na pumanaw nitong September 8 sa edad na 96.

Facebook Comments