Labi ni "lolong" idi-display na sa National Museum

Manila, Philippines – Idi-display na sa National Museum of Natural History ang labi ni “lolong” na ideneklara dating “world’s largest crocodile in captivity” ng Guinness World Records noong 2012.

Sa Facebook post ng museo, ito na ang magiging permanenteng tahanan ni lolong at bubuksan ito sa kalagitnaan ng taong ito.

Layon ng museo na makuha ang interes ng publiko sa Philippine Wild Life.


Matatandaan, nahuli ang mahigit 20 talampakang buwaya taong 2011 sa Bunawan creek sa Agusan Del Sur.

Naging aktraksyon si lolong sa Bunawan Eco Park and Wild Life Reservation Center bago ito namatay nuong 2013 dahil sa pneumonia at atake sa puso.

 

Facebook Comments