World largest touch screen display para sa larong candy crush, nakuha ng isang tv show sa Amerika

Panghimagas- Nakasungkit ng Guinness World Record ang isang bagong game show sa US Na itatampok ang isang popular mobile puzzle game na candy crush.

Lalaruin kasi ang candy crush sa pamamagitan ng tinaguriang “largest touch screen display”.

Gaya ng paglalaro ng candy crush sa normal touch screen device, pareho pa rin ang rules — maliban na lamang sa sobrang laki ng screen na may 30 feet high at 20 feet wide na gagamitin ng mga contestant ng game show.


Dahil sa pambihirang laki ng screen, hindi lamang ito magiging mental test kundi isa ring physical test para sa mga manlalaro.

Ang live action tv show na ito na pinangalanan rin sa larong “candy crush” ay eere sa July 9 sa CBC network, kasama si Mario Lopez bilang host.

Facebook Comments