Manila, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang labing-apat na barangay (14) sa Cardona Rizal, dahil sa pagdami ng water lilies sa Laguna lake.
Ayon kay Dong Malonzo, ang hepe ng Rizal Provincial Disaster Risk Reduction Management.
Ginawa ang hakbang, kasunod ang kahilingan ng sangguniang bayan ng Cardona sa kanilang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.
Ayon kay Malonzo, apektado ang hanap buhay ng mga mangingisda sa labing walong barangay ng Cardona, dahil sa sandamakmak na water lilies.
Dahil dito anya, ang kanilang mga motorboats ay hindi makapalaot at apektado ang hanap-buhay ng mga mangingisda.
Sa ngayon ay gumagawa na ng aksyon ang munisipal disaster mngt ng cardona, upang matanggal sa baybayin ang mga naturang water lilies.
Na nakaka-perwisyo sa hanap buhay ng mga mangingisda sa lalawigan.