Umabot sa labing dalawa ang na-hired on the spot sa idinaos na kauna-unahang Mini-Jobs Fair ng DZXL Radio Trabaho.
Siyam sa kanila ay pawang mga lalaki na natanggap bilang mga service crew, production staff, data encoder at drivers.
Habang ang tatlong kababaihan ay natanggap naman bilang mga service crew at receptionist.
Sa kabuuan, nasa pitumpu’t-siyam na aplikante ang natungo sa jobs fair ng DZXL Radyo Trabaho kung saan limampu dito ay pawang mga lalaki at dalawampu’t siyam ay mga babae.
Sa nasabing bilang ng mga aplikante, pinakabatang nag-apply ay dalawang disi-otso anyos na babae habang sisenta’y-uno na lalaki naman ang pinakamtandang nag-apply.
karamihan sa kanila ay nagmula pa sa Quezon City; Caloocan; Pasay; Makati; Taguig; Pasig; Marikina; Mandaluyong; Parañaque; Las Piñas; Antipolo; Sta. Cruz, Maynila; Morong, Rizal; Marilao, Bulacan; Gen. Trias, Imus at Bacoor, Cavite.