Labing Isang Katao, Dinakip Sa “Drug Den”

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Arestado ang labing isang katao na pawang sangkot sa Iligal na droga sa isinagawang Search Warrant ng Lallo Police Station, PDEA RO2 at 2nd Regional Mobile Force Battalion kamakailan sa isang Bar sa Brgy. Magapit, Lal-lo, Cagayan.

Ayon kay PNP Cagayan Provincial Director PSSUPT Warren Tolito, ang mga nadakip ay kinilalang sina Edward Sac, kwarentay uno anyos, may asawa, businessman, Arnel Cabison, trentay dos anyos, Jerry Villanueva, trentay uno anyos, Jhon Christian Corpuz, bente kwatro anyos, Ramil Berandal, bente nuwebe anyos, Merry Ann Bejet, bente nuwebe anyos, Leslie Delos Reyes Baniqued, bente singko anyos, Jessica Zarate, bente dos anyos, Marilou Sac, trentay siyete anyos, Analyn Mercado, bente dos anyos, Melanie Sencio, trentay singko anyos at mga tubong residente ng Cagayan.

Ang mga suspek ay nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Catherine P. Bangi-Allas, ng MTC Branch 1, Lal-lo, Cagayan sa umanoy “Drug Den” na establisyimento ni Edward Sac.


Nakumpiska sa naturang bar na pagmamay-ari ni Edward Sac ang isang plastic bag na naglalaman ng mga hinihinalang tuyong dahon ng Marijuana, isang transparent plastic na naglalaman ng limang sachet ng hinihinalang shabu, isang lighter, isang malaking transparent plastic, siyam na aluminum foil, anim na improvised aluminum tooter at isang rolled aluminum foil.

Hawak na ngayon ng PNP Lallo ang mga suspek at mahaharap sa Kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments