Labing Walong Oras na Brown Out, Mararanasan sa Ilang Bayan ng Isabela!

Cauayan City, Isabela – Makakaranas ng matagalang brown out ang ilang bayan dito sa lalawigan ng Isabela simula mamayang alas dose ng gabi na magtatagal hanggang alas sais ng gabi bukas, araw ng Biyernes.

Sinabi ni Ginang Maria Louisa Demetria, pinuno ng Member Services Division ng Isabela Electric Cooperative2 o ISELCO 2na labin walong oras ang itatagal ng kawalan ng supply ng koryente sa bayan ng Naguilian, Benito Soliven, San Mariano, sa parte ng Guibang at Songsong ng Gamu at sa Gayong-gayong Sur ng City of Ilagan.

Ipinaliwanag pa ni Ginang Demetria ng ISELCO 2 na magkakaroon umano ng preventive maintenance service ang Naguilian Sub-Station kung saan isasagawa ang oil filtering at oil filling kaya dapat magsakripisyo ng ganung katagal na oras.


Layunin umano nito na maiwasang magkaroon ng sira ang sub-station kung kaya’t gagawin ang maintenance at para makaiwas sa mas malawakang brown out.

Ganunpaman maaring mas mapagaan ang pagbalik ng supply ng kuryente depende sa clearance na ibibigay ng Maintenance Service Division.

Samantala isasabay din ang isasagawang clearing operations sa mga linya ng koryente sa mga nabanggit na lugar para magkaroon ng magandang serbisyo ang ISELCO 2.

Facebook Comments