Lagay ng agrikultura sa nakalipas na administrasyon, napakahina —PBBM

Mahinang sektor ng agrikultura umano ang dinatnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong maupo siya sa pwesto bilang pangulo ng bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa nakalipas na administrasyon, kaawa-awa ang kalagayan ng mga magsasaka na sinabayan ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Ito aniya ang tinututukan at pinalalakas ng kaniyang administrasyon ngayon para maiangat ang kalagayan ng mga magsasaka sa bansa.

Ibinida ng Pangulo na sa loob ng dalawang taon ay nakapagtayo na ang gobyerno ng 150 rice processing plant, kabilang ang mga coconut processing plant na daragdagan pa sa ilalim ng kaniyang termino.

Tiniyak ng pangulo na tuloy-tuloy ang pagsuporta sa mga magsasaka at ginagawang hakbang ng gobyerno para sa sektor ng agrikultura na nadatnan na nilang mahina at nababalutan ng maraming isyu.

Facebook Comments