Lagay ng panahon, alamin!

Patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang Low Pressure Area (LPA).

Huling namataan ang LPA sa San Jose de Buan, Samar.

Mababa ang posibilidad nito na maging bagyo at inaasahang lulusaw.


Pinalalakas din nito ang hanging amihan na nagpapaulan sa halos buong Luzon.

Ang LPA ay maghahatid ng makulimlim na papawirin at thunderstorms sa Visayas, Caraga at Bicol Region.

Sa Metro Manila, asahan pa rin ang mga pag-ulan ngayong araw.

Sunrise: 6:17 ng umaga
Sunset: 5:33 ng hapon

Facebook Comments