Lagay ng panahon, alamin!

Patuloy pa ring makakaapekto sa Luzon at Visayas ang northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, asahan na ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa ang Cagayan Valley, Aurora, Cordillera at Quezon, maging sa Eastern Visayas.

Makakaranas naman ang Metro Manila kasama ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.


Maaliwalas na panahon naman ang asahan sa Mindanao pero may maliit na posibilidad ng localized thunderstorm.

Nakataas pa rin ng gale warning sa seaboard ng Luzon at eastern seaboard ng Visayas at Mindanao.

Facebook Comments