Magiging maulan ngayon araw ang Visayas at Mindanao bunsod ng pananatili ng Low Pressure Area (LPA) sa bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 520 kms east south-east ng General Santos City.
Mababa ang tiyansang maging bagyo ng nasabing sama ng panahon at posibleng malusaw na sa loob ng 24 oras.
Pero, kahit mababang ang tiyansang maging bagyo, apektado naman ng trough ng LPA ang buong Visayas at Mindanao na magpapa-ulan sa mga nasabing lugar.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maaliwalas ang panahon pero may mga pag-ulan sa hapon at gabi.
Sunrise – 5:31AM
Sunset – 6:29 PM
Facebook Comments