Lea Salonga, nagsalita na sa isyung pinalitan niya bilang endorser ng isang produkto si Kris Aquino

“Hindi totoo!”

Ito ang binigyan diin ngayon ng batikang broadway singer na si Lea Salonga sa usap-usapang pinalitan daw niya bilang endorser ng isang produkto si Kris Aquino.

Say ni Lea, walang naganap na replacement dahil ang ginawa nilang endorsement ay dagdag lang sa produktong ini-endorso aniya ni Kris.


Paglilinaw pa nito, bagong variety ang ibinigay sa kanya kaya wala siyang inagaw o pinalitan.

Hindi daw maintindihan ni Lea kung bakit sila ini-intriga gayon, okay naman sila ni Kris.

Facebook Comments