Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Magiging maganda ang panahon ngayong araw ang halos buong bansa.

Magandang pasyalan ang Pasigarbo sa Sugbo Festival sa Cebu City habang huwag kakalimutan naman na magdala ng payong sa mga makiki-fiesta sa Paray Festival sa Viga, Catanduanes dahil asahan pa rin ang mga pag-ulan.

Umiiral pa rin kasi ang habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales at Bataan.


Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Dahil sa habagat nananatiling nakataas ang gale warning sa baybaying dagat ng maraming lalawigan kabilang ang mga sumusunod:

  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Zambales
  • Bataan
  • batanes
  • Babuyan
  • Calayan
  • Cagayan
  • Isabela
  • Aurora

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o lalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Sunrise: 5:41AM

Sunset: 6:20PM

Facebook Comments