Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Malamig na umaga pa rin ang hatid ng northeast monsoon o hanging amihan sa bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – dahil sa pag-iral ng amihan ay pinipigilan nito ang pagbuo ng anumang sama ng panahon sa loob ng bansa.

Maaliwalas ang panahon buong bansa subalit may mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.


Walang nakataas na gale warning sa alinmang baybayin ng bansa kaya malayang makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Facebook Comments