Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Posibleng maging ganap nang bagyo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng Huwebes ang Low Pressure Area (LPA) na nasa Pacific Ocean.

Sakaling maging ganap nang bagyo, tatawagin itong “bagyong Marilyn”.

Huli itong namataan sa layong 1,620 kilometers silangan ng Bicol Region.


Bagamat malayo pa sa PAR, magdadala na ang LPA ng mga pag-ulan sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Kaya naman naging maulan ang selebrasyon ngayong araw ng Beachurero Festival sa Tacloban City.

Samantala, nasa West of Ilocos Region na ang isa pang LPA.

Namataan ito sa 70 kms ng hilaga ng Basco, Batanes at posibleng lumabas sa PAR sa mga susunod na oras.

Habagat pa rin ang magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Sunset today: 6:02PM

Sunrise: 5:45AM

Facebook Comments