Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

May binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bisinidad ng bansa.

Ito ay nasa 150 kilometers west southwest ng Dumaguete City, Negros Occidental.

Nagdudulot ito ng makakapal na kaulapan sa katimugang Luzon at buong Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.


Tatawid ang LPA sa Palawan at inaasahang lalakas hanggang sa maging bagyo kapag nakalayo na ito sa bansa.

Puntahan ang Angeles City, Pampanga kasabay ng Fiestang Culiat habang unti-unting lalamig ang panahon lalo na sa hilagang Luzon dulot ng hanging amihan.

Sumilong sa Cantabong Cave sa Siquijor habang may pag-ulan dulot ng LPA sa Kabisayaan at Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments