Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Nagpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa ang Low Pressure Area (LPA).

Huli itong namataan sa layong 910 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa loob ng dalawang araw, lalakas pa ito bilang tropical depression.


Ayon sa PAGASA, posibleng tumbukin nito ang Central at Southern Luzon kasama ang Metro Manila, kaya asahan ang maulang weekend.

Biyaya sa mga magsasaka ng Batad Rice Terraces sa Banaue ang pag-ulang hatid ng hanging amihan na nakakaapekto rin sa Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley.

Puntahan ang Sambawan Island sa Biliran habang nagpapatila ng ulan sa bunsod ng epekto ng LPA sa buong Kabisayaan, maging sa Northern Mindanao, Caraga, at Zamboanga Peninsula.

Delikadong maglayag mula sa hilagang bayabayin ng Northern Luzon at silangang baybayin ng Visayas.

Facebook Comments