Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Ihanda ang mga payong sa posibleng buhos ng ulan ngayong araw.

Maligo sa Ubo Falls sa Sorsogon ngunit ang probinsya kasama ang Catanduanes, Albay Sorsogon at Masbate ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa tail end of cold front.

Maki-pista sa Navotas City ngayong araw para sa Pangisdaan Festival dahil maganda ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon maliban sa Cordillera, Cagayan Valley at Aurora Province dahil sa hanging amihan.


Hindi muna maakyat ang Alto Peak sa Letye dahil makulimlim ang panahon sa lalawigan kasama ang Samar dahil sa tail-end of cold front.

Alamin ang iba’t-ibang kultura sa Museum of Three Cultures sa Cagayan de Oro habang mainit at maalinsangan sa buong Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang direksyon ng hangin ay nagmumula sa silangan – hilagang silangan.

Kung ang ibinubugang abo ng Bulkang Taal ay mababa sa tatlong kilometro, apektado ng ash fall ang southwest ng Batangas.

Samantala, may nabuong bagong Low Pressure Area (LPA) sa Philippine Sea na nasa 410 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at inaasahang malulusaw din ito.

Facebook Comments