Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Northeast monsoon o hanging amihan pa rin ang patuloy na nakakaapekto sa buong Luzon at Visayas.

Dahil dito, magiging maulap na kalangitan na may pag-ulan ang ilang lalawigan tulad ng Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas maliban na lamang sa mga isolated light rains.


Ang kabuuan naman ng Mindanao ay magkakaron din ng maaliwalas na panahon pero posible naman silang makaranaas ng pag-uulan dulot na din ng amihan.

Facebook Comments