Makakaranas ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang mga probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Islands ngayong araw.
Epekto pa rin ito ng frontal system na nakakaapekto sa buong Northern Luzon.
Habang may mga pag-ulan din sa Eastern Visayas, Palawan at Mindoro provinces dahila naman sa intertropical convergence zone.
Bunsod nito, nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods at landslides sa mga apektadong lugar.
Magiging maaliwalas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Sunrise – 5:25 A.M.
Sunset – 6:22 P.M.
Facebook Comments