LAGAY NG PANAHON NGAYONG IKA-5 NG HUNYO

Walang minomonitor na sama ng panahon o LPA sa bansa ngunit ang Ridge of High-pressure Area (HPA)ang nakakaapekto sa Eastern at Central Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao at Benguet dulot ng lokal na mga pagkidlat-pagkulog.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog hanggang sa timog-kanluran ang iiral sa hilagang Luzon at sa lalawigan ng Aurora.

Ang mga baybaying dagat ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
Maximum temperature: 32.8°c
Minimum temperature: 25.0°c
Sunrise today: 05:17 am
Sunset today: 06:26 pm
Facebook Comments