MGA DATING REBELDE SA SAN MARIANO, ISABELA, SUMAILALIM SA MARKETING TRAINING

33
Cauayan City, Isabela- Sumailalim sa Marketing training at workshop ang ilang mga dating rebelde sa bayan ng San Mariano, Isabela bilang tulong ng pamahalaan sa kanilang pagbabalik-loob.

Ito ay sa tulong at inisyatibo ni PLTCol Jeffrey Raposas, Force Commander ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela.

Ang mga nakinabang sa nasabing training ay pinili mula sa sumukong rebelde ng 1st IPMFC SUBLI- Caunayan Association.

Matagumpay naman itong natapos kung saan nagkaroon ng kaalaman ang mga ito sa Marketing o tamang pag-aasikaso at pagpapalago ng negosyo.

Ang naturang aktibidad ay bilang suporta na rin sa ipinatutupad na Executive Order Number 70 o ang NTF-ELCAC para maihatid ang serbisyo ng gobyerno sa mga maituturing na conflict affected areas sa mga far-flung barangays ng Cagayan Valley.

Facebook Comments