PNP, pinaigting ang pagbabantay sa mga terminal kasunod ng pambobomba sa Mindanao

127

Magpapakalat ng mas maraming pulis sa mga transport terminals ang Philippine National Police (PNP) gaya ng airport, pier at bus terminals, magde-deploy din sila ng K9 units para magamit sa inspeksyon.

Ito ay dahil pa rin sa sunod-sunod na nangyaring pambobomba sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon kay P/Col. Jean Fajardo, normal pa ang inspeksyon sa labas ng airport at may mga pulis din sa labas ng departure area.


Samantalang sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) naman, sumasailalim sa inspection ang mga pasahero kung saan dumadaan sa x-ray machine ang mga dala nilang gamit.

Dagdag pa ni Fajardo sa bus terminal naman sa Araneta Center, normal pa rin ang security protocols na ipinatutupad.

Ininspeksyon rin ang mga bagahe bago makapasok sa terminal.



Facebook Comments