LAGING HANDA | Ligtas na pag-responde itinuro ng CDRRMO Dagupan!

Taunang pagbibigay ng mga libreng leksyon ukol sa tamang hakbang sa panahon ng kalamidad sa mga eskwelahan sa Dagupan City, isinasagawa.

Kasalukuyang isinasagawa ngayon ng City Disaster Risk Reduction Management Office ang pagbibigay ng mga ilang tips tungkol sa ligtas na pagevacuate at hakbang upang maging ligtas sa mga kalamidad. Sa tulong na rin ng Division Office ng siyudad ay patuloy at matagumpay na nailalahad sa mga day care center ng mga barangay, mga pampublikong paaralan, at inaasahan ngayong taon na makabilang ang mga pribadong paaralan sa mga pagsasagawaan ng nasabing leksiyon. Tinatayang mayroong siyam na pampublikong paaralan na ang napuntahan ng ahensya ngayong buwan.

Sa pangunguna ni Prisza Cendaña, representative ng CDRRMO, ipinaliwanag sa mga batang mula sa PNR Day Care Center ang mga paraan para maging ligtas sa iba’t-ibang sakuna tulad ng lindol, baha, sunog, bagyo at tsunami. “Kailangang magkaroon ng disaster preparedness para alam din ng mga magulang at ng mga bata na nandoon ang mga basic na kaalaman para maging aware ang mga bata sa mga ganoong sitwasyon”, saad din nito.
Ayon na rin kay Research and Planning Officer Davidson Chua, malaki ang maaaring maidulot ng pakikinig ng mga leksiyon lalo na sa mga bata upang sa murang edad pa lamang maging handa na ang mga ito.


Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng ahensya ng mga ganitong uri ng talakayan upang mas magabayan ang mga Dagupeño sa dapat nilang sa oras ng kalamidad.

Report by Crystal Aquino at Mark Francisco



Facebook Comments