Lagpas 600 na pasahero, narescue ng Coast Guard matapos magkaaberya ang barkong sinasakyan sa Misamis Occidental

37

Misamis Occidental, Phillipine – Nasa 619 na mga pasahero ng M/V Trans Asia 2 ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard matapos na magkaaberya ang barko sa karagatang sakop ng Polo Point, Plaridel, Misamis Occidental.

Sa ulat na nakarating sa headquarters ng PCG sa Maynila, galing ang barko sa Ozamis City noong April 16 at papunta sa Cebu.

Ilang oras matapos na makaalis sa pantalan, bigla umanong nagkaroon ng aberya sa makina nito.

Sa ngayon, pansamantalang nananatili sa pantalan ng Ozamis City ang mga naturang pasahero habang hinihintay ang barkong ipadadala ng operator ng M/V Trans Asia 2.
Nation

Facebook Comments