Bilang ng nasawi sa bus tragedy sa Carranglan, Nueva Ecija – umakyat na sa 26

Manila, Philippines – Umakyat na sa 26 na katao ang bilang ng nasawi sa bus tragedy sa Carranglan, Nueva Ecija.

Kabilang sa nasawi ay 18 babae, pitong lalaki at isang bata.

Nasa 22 pasahero naman ng bus ang agad na isinugod sa ospital matapos na magtamo ng sugat.


Una rito, binabaybay ng Leo Maric Minibus ang kahabaan ng barangay Capintalan patungong Candon, Ilocos Sur nang bigla umano itong mawalan ng preno saka nahulog sa bangin na may lalim na 80 hanggang 100 talampakan.
Nation

Facebook Comments