Pagpapaalis ng mga tindahan sa paligid ng Baclaran, mas paiigtingin pa ng MMDA

56

Manila, Philippines – Mas paiigtingin pa ng MMDA ang pagpapaalis ng mga tindahan sa paligid ng Baclaran, Parañaque City.

Kasunod ito ng inilabas na utos ng DILG kaugnay ng isasagawang clearing operation sa Biyernes.

Pero ngayong araw pa lang, kusa nang nagbaklas ng kanilang mga tindahan ang ilang sidewalk vendors sa lugar.

Ayon kay MMDA acting Chairman Tim Orbos – layon ng ikakasang operasyon na linisin ang Roxas Boulevard mula sa mga sidewalk vendors at illegally parked vehicles na nagdudulot ng pagsisikip ng trapiko sa lugar.

Samantala, umapela naman ang mga vendor na payagan pa rin silang makapagtinda dahil na rin sa dami ng mga mamimiling dumadayo partikular sa Baclaran.
Nation

Facebook Comments