Lahat ng medical health workers, target mabakunahan ng pamahalaan hanggang Marso

65

Target ng gobyerno na mabakunahan ang lahat ng medical health workers sa bansa hanggang ngayong buong buwan ng Marso.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, mahigpit aniya ang tagubilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag i-concentrate o ilaan sa iisang area lamang ang pagbabakuna.


Kasunod nito kinumpirma rin ni Galvez na mula sa Miyerkoles hanggang Sabado ay ibibiyahe ang mga bakuna sa Visayas at Mindanao.

Saka-sakali naman aniyang hindi maubos ang lahat ng 600,000 doses ng Sinovac sa medical health workers ay ibibigay nila ito sa economic frontliners tulad ng mga tsuper, mga vendors, mga manggagawa at iba pa.

Facebook Comments