Mayor Isko Moreno, muling umapela sa mga hindi pa nagpapatala para sa bakuna

88

Kasunod ng kanyang pagsaksi sa unang bugso ng pagbabakuna sa medical frontliners sa Philippine General Hospital, muling umapela si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na magparehistro na para sa COVID-19 vaccination.

Ayon kay Moreno, ngayong dumating na sa bansa ang unang batch ng mga bakuna, dapat nang samantalahin ang pagkakataon para mabakunahan.


Aniya, maraming bansa ang nag-uunahan sa pagbili ng bakuna, kaya hindi dapat sayangin ang pagkakataon.

Una nang inihayag ni Moreno na agad din siyang magpapabakuna sakaling matapos na ang vaccination sa health workers.

Aniya, hindi rin siya mamimili ng anumang brand ng bakuna dahil tiyak naman na ligtas ang mga ito.

Facebook Comments