Pinasusumite ng QC Task Force for Transport and Traffic Management ang lahat ng mga Barangay Chairman sa Quezon City na magsumite ng kanilang report araw-araw tungkol sa kanilang ginagawang clearing operation.
Ayon kay at QC Task Force for Transport and Traffic Management Head Atty Ariel Inton, mahalaga na magkaroon ng daily report ng mga aktibidades ng mga Punong Barangay para malaman kung ginagampanan ba nila ang kanilang mga trabaho alinsunod na rin sa kautusan ng DILG.
Paliwanag pa ni Atty. Inton, nakatuon sa ngayon ang kanilang Task Force sa pagtatanggal ng mga illegal structures, illegal terminals ng tricycle na inuukupa na ang mga kalsada at mga sidewalks.
Babala ni Atty. Inton sa lahat ng mga Barangay Chairman na hindi makapagsusumite ng kanilang Traffic and Peace and Order Plan bago mag biyernes, August 9, na mayroong kaakibat na disiplinary action alinsunod sa direktiba ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na sundin ang Memorandum Circular 121 ng DILG na linisin ang mga illegal structures and construction sa kanilang nasasakupan.