Tuesday, November 10, 2026

Lifetime validity ng PWD IDs, malaking tulong sa mga kababayang may kapansanan

Naniniwala si Senate Committee on Social Justice Chairman Erwin Tulfo na malaking tulong para sa mga persons with disabilities (PWDs) ang hakbang ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na gawing lifetime ang bisa ng PWD IDs ng mga kababayang may permanenteng kapansanan.

Kaugnay nito ay ikinalugod ni Tulfo ang pagbibigay-pansin ng NCDA sa isinusulong niyang Senate Bill 1405 o ang panukalang lifetime validity sa PWD IDs.

Ayon kay Tulfo, ang lifetime validity ng PWD IDs ay isang malaking hakbang para pagaanin ang pasanin ng mga kababayang PWDs dahil mangangahulugan na menos gastos ito sa pagkuha ng medical certificate tuwing magre-renew.

Mababawasan din aniya ang pagaasikaso ng pagkuha ng ID na kadalasan ay pahirap sa mga kababayan nating may kapansanan.

Tiniyak ni Sen. Erwin na maisabatas ang lifetime validity ng PWD IDs para mas mapalakas at matiyak ang tuloy-tuloy na implementasyon nito.

Facebook Comments