Maituturing ng nasa minimal risk sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, naitala sa bansa ang negative 59 percent two week growth rate at Average Daily Attack Rate (ADAR) na 0.41 sa kada 100,000 indibidwal.
Habang ang National Capital Region ay mayroong negative 61 percent na two week growth rate at ADAR na 0.67.
Sa kabila nito, sinabi ni De Guzman na binabantayan naman ang Bicol Region matapos makapagtala ng 3 percent positive growth rate at Soccsksargen na may 7 percent positive growth rate.
Gayundin ang Lapu-Lapu City na may 2.56 percent positive two week growth rate at General Santos City na may 1.52 percent positive two week growth rate.
Sa kabila nito, inaasahan naman ng DOH na bababa na sa 1,766 ang aktibong kaso sa bansa sa katapusan ng Enero ng 2022 kung patuloy na susunod ang tao sa minimum public health standards.
Pero posible itong tumaas sa 9,388 kung magpapabaya ang publiko.