Lahat ng Senador, iminungkahing sumailalim sa COVID-19 test

Imungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na sumailalim sa COVID-19 test ang lahat ng mga Senador.

Ito ay para matiyak na wala sa kanila ang carrier ng virus makaraang magpositibo dito ang isang resource person sa pag-dinig na isinagawa ng committee ni Senator Win Gatchalian, kasama si Senator Nancy Binay.

Sumailalim na si binay sa COVID-19 test at kasunod na si Gatchalian na bukod sa nasabing pagdinig noong march 5 ay nakipagpulong pa sa naturang resource person noong February 27 kung sila nagkaroon ng closed contact.


Ayon kay Zubiri, noon pa ay pinayuhan na niya ang mga kasamahan na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng pagdinig para makatulong sa pagpigil na kumalat ang COVID-19 pero ilan sa mga ito ang hindi nakinig.

Pinaboran naman ni Senate President Tito Sotto III ang mungkahi ni Senator Zubiri kaya makikipag-ugnayan na sya sa Department of Health (DOH) para sa Covid-19 test kits.

Suportado din ni Senator Christipher Bong Go ang suhestyon ni Zubiri lalo pa at naging exposed ang mga senador sa COVID-19 patient.

Sa katunayan, ay nauna ng sumailalim si Go sa COVID-19 test, kasabay ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Facebook Comments