Sinimulan na nga ngayong umaga eksakto alas-7:00 ang Lakbayaw festival na ang ibig sabihin sa filipino ay “Lakbay” at sayaw.
Na ipinapakita ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagsayaw at musika.
Bilang bahagi ng selebrasyon, nagpapatuloy ang kada oras na mga misa sa loob ng 26 oras sa Tondo Church simula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng gabi.
Habang ang mga replika ng Sto. Niño sa ay siuotan naman ng mga makukulay na damit ay makikita sa iba’t ibang float na napalalamutian ng mga bulaklak at tinapay na bumibisita sa mga barangay sa pamamagitan ng “Lakbayaw” na isang masayang prusisyon ng mga deboto.
Kabilang na rito ang mga bata at matanda, na karga ang mga imahe ng Sto. Niño na sumasayaw at umaawit sa gitna ng pagsigaw ng “Viva Sto. Niño! Pit Señor!” .
Matatandaan, noong January 8 ay sinimulan na itong pagno-nobena.










