Nabatid na December 2018 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas.
Sa ilalim nito inaatasan ang Philippine National Aids Council o PNAC bilang overall in charge sa pagpapatupad ng aids medium term plan o six years plan para mapigilan ang paglobo ng bilang ng nasabing sakit.
Pinabubuo naman ang Department of Health ng mga programa na makakapagbigay ng accessible treatment at medication para sa people living with HIV and Aids.
Habang ang Department Of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang gagawa ng care and support program para sa mga ito kabilang ang counseling, social protection, welfare assistance at iba pa.
Nakapaloob rin rito ang pagpayag sa mga menor edad mula 15 hanggang 17 na sumailalim sa HIV test kahit walang pahintulot ng kanilang magulang.
Inaatasan rin nito ang lahat ng government health facilities at workers na isama kanilang mga programa ang HIV-Aids awareness para maitaas ang kamalayan ng publiko sa nasabing sakit.