Lalake, arestado matapos makuhanan ng matataas na kalibre ng baril

Arestado ang isang lalaki dahil sa paglabag sa illegal possession of firearms at Commission on Elections (COMELEC) gun ban sa Maguindanao.

Ito ay matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa isang palengke sa lugar.

Sa ulat kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang suspek na si Nasrollah Rajabuayan.


Nakuha dito ang M16 A1 rifle, 5.56mm Bushmaster rifle, 5.56mm Colt rifle at mga bala.

Kasunod nito, tiniyak ni General Azurin na patuloy nilang mino-monitor ang aktibidad ng mga sangkot sa gun running at ang pinagkukunan nila ng mga armas.

Nabatid na nagsimula ang Comelec gun ban sa Maguindanao noong August 16 na tatagal hanggang September 24, 2022 dahil sa nakatakdang idaos na plebesito kung saan dedesisyunan kung hahatiin sa 2 ang Maguindanao province, ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Facebook Comments