LGU CAUAYAN CITY, IDINEKLARANG DRUG-FREE WORKPLACE

Idineklara ng Drug-Free Workplace ang LGU Cauayan City ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Isabela nitong Martes, Setyembre 13, 2022.

Pinangunahan ni DIR III Joel Plaza, Regional Director ng PDEA RO 2, kasama ang PDEA Isabela Provincial Office ang pagkakabit ng Drug-Free Workplace Signage sa City Government ng Cauayan na ginanap sa Bamboo Hall, Cauayan City Hall, Cauayan City.

Dumalo rin sa aktibidad sina Mayor Caesar Dy Jr.; CLGOO Genevieve Alipio; PLTCOL Sherwin F. Cuntapay, Chief of Police; Dr. Mary Kristin Purugganan, Assistant City Health Officer; miyembro ng mga Sangguniang Panlungsod,at tauhan ng Cauayan City Police Station.

Isinagawa ang nasabing aktibidad bilang suporta sa kampanya ng Pamahalaan laban sa iligal na droga at alinsunod na rin sa DDB Regulation No. 13 Series of 2018.

Layunin nito na magtatag ng mga polisiya ukol sa Drug-Free Workplace sa lahat ng ahensya ng gobyerno kabilang na ang authorized drug testing sa mga public officials at maging ang pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga mapapatunayang lumalabag.

Facebook Comments