LALAKI, ARESTADO MATAPOS BARILIN, SA HALIP NA TULUNGAN ANG NAAKSIDENTE SA BAYAN NG MABINI, PANGASINAN

17

MABINI, PANGASINAN –Arestado ang isang trenta-anyos na lalaki matapos bugbugin at barilin pa ang isang lalaking sangkot sa aksidente sa bayan ng Mabini.

Sa naging panayam ng ifm dagupan kay Mabini PNP Chief of Police, Police Captain Allan Abuan, kinilala nito ang suspek na si Felipe Niesperos samantalang ang biktima naman ay kinilalang si Tejay Ramos, residente ng bayan ng Burgos, Pangasinan.


Ayon sa hepe, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Brgy. Caranglaan sa nasabing bayan ng bigla silang matumba pasado ala una ng madaling araw, dito na dumating ang suspek na napag-alamang lasing at agad na pinagbubugbog si Ramos.

Pinaputukan nito ang biktima gamit ang kanyang baril at agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan habang nahuli naman ng mga awtoridad ang suspek na tumakas matapos ang insidente.

Sa ngayon, nasa mabuti ng kalagayan ang biktima habang inihahanda na ang maaaring kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments